I love writing adventure, mystery and action stories. Pero bukod sa ganoong klase ng mga kuwento, favorite ko din ang mga fantasy at science fiction stories.
Wind Swept is a fantasy adventure romance. Fantasy and romance complement each other in this novel. Kung aalisin ko ang fantasy, the romance loses it’s intensity. Kung aalisin ko naman ang romance, the story loses it’s purpose and emotions.- Arielle
MULA sa bintana ng condominium unit ni Reid ay tanaw niya ang malaking building ng BFC Traders Inc. Dalawang buwan pa lamang ang nakakaraan mula nang mamatay si Geraldine. Ngunit parang nakatagal nang panahon ang dumaan. Marami ang nagbago sa buhay niya. He has resigned from the company. Nakipaghiwalay na din siya kay Celena.
Dapat ay matagal na niyang ginawa iyon bago pa nawala si Geraldine. Ngunit tulad ng maraming tao, huli na nang ma-realize niya ang kahalagahan ng isang bagay. Geraldine’s death made him realize how much he really loves her. Na sa lahat ng mga babaeng naka-relasyon niya, sa dalaga lamang talaga niya naranasan ang tunay na kaligayahan at pag-ibig. But like a stupid man, he threw all that away for his ambitions!
Mga ambisyong nawalan ng halaga matapos magpakamatay ang dalaga dahil sa kanya!
Inubos niya ang laman ng bote ng beer na hawak. Kung noon pa sana ay na-realize niya kung ano talaga ang importante sa buhay niya. Hindi na sana niya nasaktan si Geradine. Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, mamahalin niya ito at pahahalagahan ng husto! He would make her the center of his world! Napa-iyak siya.
Binuksan niya ang bintana. Sinalubong siya ng malakas na hangin. Tumayo siya sa terrace. Sa kinaroroonan niya dati nakatayo si Geraldine habang kinukuwentuhan siya nito tungkol sa taglay na kapangyarihan ng hangin. Ngunit kung may kapangyarihan nga ang hangin, bakit nito pagbibigyan ang kahilingan niya na makasamang muli ang babae?
May karapatan pa ba siyang mahalin ito? Malamig at masakit sa balat ang tama ng hanging tila nanunuya at naninisi. Tiyak na nasaksihan nito ang pag-iiyak ni Geraldine at ang pagpapakamatay nito.
Napatungo siya. Labis ang galit at paninisi sa kanya ng mga kamag-anak ng babae. Malinaw na batid na ng mga ito ang ginawa niya. They hated him so much, hindi man lamang ipina-alam sa kanya kung saan inilibing ang babae. Ang huling larawang naiwan sa isipan niya ay ang luhaang mukha nito ng gabing maghiwalay sila.
Napabuntonghininga siya. Wala na sa mundong ito si Geraldine. Hindi na din niya maibabalik pa ang nakaraan. Pero... Maari niya itong sundan sa kabilang mundo! Sumampa siya sa barandilya ng terrace.
Kung totoo ang mga paniniwala ng marami, ang isang taong nag-suicide ay di makakarating ng langit. That person will suffer in hell.
“I will follow you in hell Geraldine!” sasamahan niya ito doon at dadamayan!
Tumalon siya.
Muli siyang sinalubong ng malakas na hangin sa kanyang pagbulusok. Napasulyap siya sa kalangitan. Maaliwalas ang langit ngayong gabi. Puno ng bituin ang kalangitan at bilog na bilog ang buwan. Bigla niyang naala-ala na ngayon din ang birthday ni Geraldine!
Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang pagdating ni kamatayan. It’s just right that he dies on her birthday dahil namatay din ito sa araw ng kaarawan niya.
“Happy Birthday my love.” anas niya.
Binalot ng hangin ang kanyang buong katawan. Pakiramdam niya ay inililipad siya nito. Ngunit ilusyon lang iyon. Ang totoo ay malapit nang tumama ang katawan niya sa sementadong-
“Buksan mo na.” udyok ng isang boses babae
“Madumi ang kamay ko.” pangangatwiran ng isang boses lalaki.
Nagmulat siya ng mata. Nakita niya sa kanyang harapan si Geraldine ngunit seventeen years old pa lamang ito!
“Totoo pala ang mga sinasabi ng mga barkada ko.” natatawang sabi ng isang matangkad na binatilyo na nakatayo sa tabi ng isang bisikleta.
“I…” pulang-pula ang mukha ng teenager na si Geraldine.
“You are cute Jeri. Pero hindi ikaw ang babaeng gusto kong maging next girlfriend.”
Nakita niya ang sakit na idinulot ng mga salita na iyon sa dalagita. Sumulak ang dugo niya. Mabilis niyang sinugod at sinuntok ang binatilyo!