NANG ipa-exile si Basil ng ama niya sa Greenoak ay di siya tumutol. Agad siyang nag-impake at nagtungo sa country estate nila doon. Gusto niyang magpakalayo-layo sa babaeng pinili ng ama niya para maging asawa niya! Aanhin niya ang ganda ng isang babae kung ganoon kagaspang ang ugali nito?
At masakit din sa ego na napatumba siya ng isang suntok nito! Kahit na gaano pa kalakas ang mga lalaking nakakalaban niya, di siya napapatumba, nakakaganti siya at ang mga ito ang napapatumba niya!
Kahit paano dito sa Greenoak ay hawak niya ang oras niya. Maaari siyang mangabayo hanggang gusto niya, walang sasaway sa kanya at pipilit na magbihis at dumalo sa mga balls at kasiyahan na napaka-boring.
Bigla siyang napatanga nang makita ang isang rider sa may di kalayuan niya. Nangangabayo din ito tulad niya, ngunit bareback! Wala itong gamit na saddle! Nakahawak lamang ang kamay nitong walang gloves sa malagong buhok ng kabayo!
Hindi lamang mapanganib ang ginagawa nito, napaka-reckless din! Ngunit di niya maikaka-ilang magaling ang rider. In perfect unison ang galaw nito sa pagtakbo ng kabayo.
Wala sa sariling napasunod siya dito. Malinaw na patungo ang rider sa munting sapa sa bahaging ito ng Greenoak. Kailangan ng tubig ng isang kabayo matapos ang mahabang pagtakbo. Isa pa mukhang uhaw na rin ang stallion niyang si Mohawk.
Pagdating niya sa sapa ay napatanga siya. Inalis na ng rider ang hat nito at nakalugay na ngayon ang gintong buhok nito na lagpas baywang. Sa kabila ng suot nitong riding clothes ng isang lalaki, hindi maitatanggi ang female outline nito! Bumabakat ang suot nitong damit sa dibdib at balakang nito!
Walang matinong babae ang magsusuot ng riders outfit ng isang lalaki! Napaka-improper-
Lumingon sa kanya ito. Naningkit ang mga ginto..no…bughaw ang kulay ng mga mata nito.
“Ikaw na naman?!!” bulalas nito. Isang latigo ang inilabas nito. Kung saan iyon nanggaling ay di niya alam.
“Hey, ano sa tingin mo ang gagawin-“
Kumumpas ang kamay ng babae. Humaginit ang latigo, tumama kay Mohawk! Nagwala si Mohawk at tumilapon siya sa ere!
Mabilis ang naging reaksyon ng katawan niya. Binaluktot niya ang kanyang katawan, iniyuko ang ulo at hinawakan ang tuhod. Pagbagsak niya sa lupa ay likod niya ang unang tumama. Hindi nabali ang kanyang leeg.
“Damn!” iritadong sabi ni Ylora.
Tumayo siya. Agad na sinugod ang babae na akmang hahatawin na naman siya ng latigo! Biglang pumulupot ang latigo sa leeg niya!
“Today you will die heir of Pendragon!” gigil nitong sabi.
Pilit niyang inalis ang latigo, ngunit animo may sariling buhay iyon na nagsimulang humigpit!
“Stop it Ylora!” malakas na saway ng boses ni Mr. Warberg.
Lumuwag ang latigo. Pero tinadyakan siya ni Ylora. Bago niya na-regain ang balance niya ay napasubsob na siya sa lawa. Malakas ang naging tawa ng babae. Galit siyang bumangon at hinarap itong muli. Kahit minsan ay di siya nanakit ng babae, ngunit gagawin niya iyon para lamang maturuan ng leksyon ang babaeng ito!
Humarang sa pagitan nila si Mr. Warberg.
“Don’t fight her Basil. Kayang-kaya ka niyang patayin.”
“What are you talking about?”
“Rolf! Don’t you dare tell him the truth! Ang katotohanan tungkol sa akin ay sa susunod na Equinox lamang dapat sabihin! At di ko pa rin siya matatanggap na maging tagapagmana mo!”
“Mas gusto mong isipin niya na ikaw ang pinili ng ama niya na kanyang maging asawa?” panunukso nito.
Lalong nagdilim ang mukha ni Ylora.
“I will never marry that woman!” bulalas niya.
“Lalo na ako! You are so unworthy!”
“Ako? Unworthy? At ano ang itatawag mo sa sarili mo? You have the face of an angel but you are a devil, a witch!”
“Children, kahit na natatawa ako sa childish fight ninyong ito, hindi ito ang oras para sa away ninyo. The gargoyle is coming.”
“W-What?” naguluhan siya.
Noon niya narinig ang nakakapanghilakbot na tunog na iyon. Animo atungal ng isang malaking hayop. Foxes at rabbits lamang ang mga hayop sa Greenoak!
Mula sa forest ay nakita niya ang isang kakaibang nilalang! Kahalintulad nito ang isang malaking paniki! Namumula ang mga mata nito at kumikislap ang matatalas nitong pangil!
Ang isang normal na babae ay magsisigaw sa takot, tatakbo o hihimatayin. Ngunit si Ylora ay tumakbo pa palapit dito! Sa may likuran niya ay naramdaman niya ang animo ihip ng hangin pataas,pagtingala niya ay nakita niya si Mr. Warberg, animo lumilipad o galing sa pagtalon.. Posible bang tumalon ng ganoon kataas ang isang tao?
Sinalubong ng lalaki sa ere ang gargoyle, isang malakas na suntok ang pinatama nito sa mukha ng creature. Parang batong nadurog ang ulo ng gargoyle. Bumagsak iyon sa lupa. Doon ay agad na itinali ni Ylora ang mga kamay at paa nito gamit ang latigo..
“A-Anong nangyayari dito?”
Patayong bumagsak sa lupa si Mr. Warberg.
“That, Basil Pendragon is real power. At magiging iyo ang kapangyarihan ko kung makakasundo mo si Ylora.”