SUMADSAD sa tuyong lupa si Kane Ashton. Ngunit napapanatili niyang nakatayo pa rin siya. Pinahid niya ang dugo sa bibig. Idinura ang nabaling ngipin.
Malawak ang kapatagang pinagdarausan ng laban nila ng champion ng Sinister Clan. Mataas ang sikat ng araw dito, ngunit makikita din sa isang tabi ang bilog na buwan. Naghahalo ang liwanag at dilim sa lugar na ito.
Hindi na niya alam kung gaano na katagal ang naging laban nila na nagsimula nang sumapit ang Autumn Equinox. Iyon ang araw kung saan pantay ang haba ng gabi at araw. Magwawakas ang labanang ito kung matatalo niya ang Sinister o kung mapapanatili niyang buhay ang sarili hanggang sa matapos ang araw ng Equinox. Kung mananalo siya, muli siyang makakabalik sa mundo ng tao. Kung matatalo siya, he will die. At ang kaluluwa niya ay kukunin ng Shadow Guild.
Iginala niya ang paningin. Bukod sa kanya, ang tanging nakikita niya ay si Drick. Ang kalaban niya na si Sudri ay naglaho. Ginamit ang power of invisibility nito.
“This is really unfair you know.” reklamo niya kay Drick. “Last year ay natalo ko na siya. Bakit siya na naman ang kalaban ko ngayon? At bakit nadagdagan pa ang powers niya? Dati naman ay wala siyang kakayahan na maging invisible! Di ba’t lahat ng natatalo kong champion ay pinapatay ng Sinister Clan?”
“Hindi ko alam kung ano ang mga rules sa Clan na iyon Kane. But I heard may bago silang pinuno. New leader,new rules. Ang hindi lamang mababago ay ang taon-taong mong pakikipaglaban pagdating ng Autumn Equinox.”
“Speaking of which, how come hindi natin isinasagawa ang labang ito sa Spring Equinox?”
“You are becoming old Kane. Nakalimutan mo na bang ang Autumn Equinox ang piniling araw ni Ylora?”
“Oh yeah! Now I remember. That woman, alam mo bang-“ bigla siyang yuko. Isang malakas na sipa ang ginawa niya sa nag-materialize na si Sudri. Tumilapon sa malayo ang Sinister.
“Mukhang naisahan mo siya Kane. Nagkunwari kang di siya nararamdaman at abala sa pakikipag-usap sa akin. Yun pala ay hinihintay mo lamang siyang umatake.”
“Well, since wala akong mga powers tulad ninyo, I need to make use of tactics para manalo sa labang ito.”
Isang malakas na atungal ang narinig ni Kane sa direksyong pinagtalsikan ni Sudri. Kinabahan siya. Ang Sudri na nakalaban niya noong isang taon ay madaldal. Nilalait siya, ginagalit. Hindi lamang siya nilalabanan nito physically, ginagamitan din siya ng psychological warfare. Muntik na siyang mabitag nito noon.
Ngunit ang Sudri na nakaharap niya ngayon ay tahimik. Hindi nagsasalita. Hinintay niya ang muling paglapit ng Sinister.
Ikunurap niya ang kanyang mga mata. Totoo ba ang kanyang nakikita? Higit na mas malaki si Sudri ngayon, maging mga masel nito sa katawan ay nadoble. At…
“Damn it! He’s got four hands!” bulalas niya.
“Hindi na ako ang dating Sudri na tinalo mo noong isang taon, Equinox!”sa wakas ay nagsalita ito.
Ang dating buong boses nito, ngayon ay matinis,sumisingasing. Hindi rin niya nagustuhan ang pagtawag nito sa kanya ng Equinox. Isa iyong pangalan na idinikit sa kanya ng mga Sinisters. Isang pangalan iyon na hindi bagay sa modern world ng mga tao na kinabibilangan niya. Napaka-uncool!
“You are starting to look like a movie monster Sudri. O iyan ba talaga ang tunay na anyo ng mga Sinisters? Nag-aanyo lamang kayong tao?”
“Isinakripisyo ko ang aking katawan para sa mas malakas na kapangyarihan, Equinox. At sa pagkakataong ito, maipaghihiganti na ng angkan namin ang kapangahasang ginawa mo noon!
Muli itong sumugod. Malinaw ang intensyon nitong sunggaban siya at durugin ang bawat buto sa katawan niya. Mabilis niyang naiwasan ang apat na kamay nito. Naipasok din niya ang isang malakas na suntok sa ilong nito.
Sa ganitong mga pagkakataon ay naiisip niyang gumamit ng sandata. Isang espada ang gusto niya. Madaling mapuputol ng espada ang dalawang ekstrang kamay ni Sudri. Ngunit ang anumang gamit o sandata na gawa ng tao ay nalulusaw oras na madala sa dimensyong ito.
Umigkas ang isang kamay ni Sudri. Nagsirko siya para maiwasan ito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang humabang parang rubber ang kamay nito! Nahagip ng kamay nito ang braso niya. Tumusok sa laman niya ang mahahabang kuko nito.
Napasigaw siya! Pakiramdam niya ay nabuhusan ng matapang na acid ang braso niya. Hinaltak pabalik ni Sudri ang kamay nito. Nahihila siya palapit dito!
Anumang pagpupumiglas ang gawin niya ay di niya mabawi ang kanyang braso.
“Thirty minutes to go bago magtapos ang araw ng Equinox.” Paala-ala ni Drick.
Thirty minutes? Malapit na palang magtapos ang time limit kaya’t ginagamit na ng husto ni Sudri ang lakas at kapangyarihan nito.
Kung ganoon,kailangan na rin niyang magsakripisyo.
“Damn I really need a sword!” bulalas niya bago niya hinawakan ang braso niyang bihag ni Sudri. Ubod lakas niyang hinaltak ang braso niya. Napasigaw siya nang marinig niya ang paglagutok ng buto. Humiwalay sa balikat niya ang buto ng kanyang braso.
Isa pang malakas na hila at tuluyan na niyang naputol ang sariling braso. Galit na sumigaw si Sudri nang tanging ang brasong hawak nito ang nakuha.
“Kasama din ba sa mga new powers mo ang kakayahang tumakbo ng mabilis? Dahil kung di mo ako mahahabol Sudri, I will survive and win this fight!” tuya niya sa Sinister.
Tumakbo siya palayo kay Sudri. Hinubad niya ang damit na ipinahiram sa kanya ni Drick. Tinalian niya ang dumudugo niyang balikat. Sa kabila ng sakit na tinitiis ay bahagya pa rin siyang napangiti nang mapansing hindi tumatagas sa damit ang dugo niya. May magical properties din pala ang damit na gamit ng mga Shadows.
Binilisan niya ang pagtakbo. Naiwanan niya si Sudri. Natawa siya.
“Slowpoke! You will never catch me!” sigaw niya dito.
Noon niya nalanghap ang bango ng mga bulaklak na violets. Napatigil siya sa pagtakbo. Isa lamang ang ibig sabihin noon.
“No! Hindi pa ako mamatay!” sigaw niya.
Isang itim na usok ang lumabas sa harapan niya. Usok na nagsimulang maging korteng tao. Isang babae. Lagpas baywang ang ginintuan nitong buhok at ang mga ginintuan nitong mga mata ay malungkot na nakatingin sa kanya.
“Ylora, I am not goind to die!” protesta niya.
“You are already dying Equinox. Kumalat na sa katawan mo ang lason na nagmula sa kuko ni Sudri.”
“Damn!” noon niya napansin ang pamimigat ng kanyang paa. Naupo siya. Sa likuran niya ay dinig niya ang pagdating ni Sudri. “Tiyak na pagpipira-pirasuhin ni Sudri ang katawan kong ito.” himutok niya.